Kahapon nanood ako ng “That Thing Called Tadhana” kasama ang ilan sa pastoral team (whut?) ng AGC. Nakakatuwa, ang daming hugot sa pelikula. Alam mo yung feeling na napaka-universal nya – ng pag-ibig – na kahit iba-iba tayo ng detalye sa ating karanasan, e swak pa rin ang nararamdaman mo dun sa ipinapakita sa pelikula?

Pero ano nga ba ang meron sa pelikula at sumikat nang husto? Anong meron at bakit ang tila isang simpleng kwento ng boy-meets-girl at isang road trip para makalimot e naging movie event nang ipalabas ito sa isang indie film fest noong isang taon?

Ang sagot, wala.

O para mas accurate, yung pagkawala ng kaek-ekan. Basta tungkol lang sa pag-ibig na naputol.

Gasgas no? Pero lahat naman tayo dumaan dun. Yung gusto mong sumpain ang pagkatao ng umiwan sa yo. O yung guilt na naramdaman mo nang ikaw ang nang-iwan.

Walang masyadong complicated occurences na nangyari para magkakilala si Mace – ang karakter ni Angelica Panganiban – at Anthony – ang karakter ni JM De Guzman. Basta nagkita sila sa airport sa Rome bago pumunta ng Manila na may parehong may iniindang sakit sa damdamin. Nakahanap sila ng sandalan sa isa’t isa, at nagkasundong mamasyal muna sa Baguio at Sagada bago magtungo sa kanilang separate ways. At sa malaking bahagi ng istorya, kuntento na ang pelikulang panoorin ang dalawang magkwento ng frustrations nila, magmura na parang machine gun ang mga bunganga, kumanta sa karaoke, at kumain nang sabay.

Hindi na interesado si Antoinette Jadaone, ang direktor at manunulat ng pelikula, na ilagay pa ang dalawang bida sa malalaking kaganapan. Sa piling ng isa’t isa, nabubuhay ang mga usapang kadalasan nating naririnig at sinasabi kapag bago pa lamang natin nakikilala ang isang tao at ating pinapasok ang masukal na kagubatan ng puso at damdamin.

Walang explicit na “I love you” sa isa’t isa. Walang mamahaling regalo. Walang date sa magarbong restaurant. Ang meron lang ay ang kasiyahan na meron kang gabay habang tinatahak mo ang sarili mong landas. Ang may katulong kang magbuhat sa mga pinapasan mo. Ang may nakikinig habang idinadaing mo ang mga sakit na nararamdaman mo. Ang may kasama habang ina-appreciate mo ang mga bagay sa paligid mo at ang mga experiences na dinaranas mo.

Oo, nag-aaway din naman si Mace at Anthony. Meron din silang hindi pagkakasunduan. Pero ang pinakamalaking kalaban nila ay hindi ang isa’t isa, kundi ang kanilang mga nakaraan na hinahadlangan sila upang tuluyan nilang buksan ang pagkatao nila sa isa’t isa.

At dito pinaka-nagiging epektibo ang “Tadhana.” Hinahayaan lamang nito tayong panoorin ang dalawang tao habang pinakikiramdaman nila ang isa’t isa. Habang unti-unti nilang nahahanap ang dahilan upang magbukas muli sa posibilidad ng hinaharap.

Lahat tayo ay may tinatakbuhan, at lahat tayo ay gustong may makasama upang takasan ang pait ng nakaraan. Sa bawat paghihiwalay, bahagi ng ating pagkatao ay nawawala kasama nun at pilit natin itong hinahanap sa iba. Minsan, mahahanap natin agad, minsan matagal. Pero, to paraphrase nga ang sinabi ni Anthony, mahalaga pa ba kung gaano katagal? Ang mahalaga ay matuto tayong maging bukas muli sa pagmamahal at sa pagbabago.

Bakit naging sikat ang pelikula? Kasi ito ay tungkol sa dalawang taong unti-unti at dahan-dahang nahanap ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t-isa. Sino naman ang hindi makakarelate dyan, di ba?

Advertisements

3 thoughts

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s