Isang karaniwan bagama’t mainit na takipsilim
nang nagsimula yaong mga kaganapan,
habang nalalapit ang pagsapit ng dilim
unti-unting umaalab ang apoy ng laman.

Sa napipintong paglubog ng mala-impyernong araw
sumabay ang damdamin sa nagpupumiglas na init;
naghihingalong upos ng sigarilyo ng babae’y pumanaw
pagkatapos ay itinapon sa lupa, pinatay nang pilit.

Dala ang inipong salapi, nilakad niya ang eskinita
upang makipagkita sa lalaking nag-aabang,
na sa kanyang suot na kurbata’t amerikana
di halatang ang nagsusuot ay aswang.

Idinikit ang kanyang mapulang labi sa tainga ng lalaki
at bumulong ng mga salitang tangkang mang-akit;
sa mga kaganapan sa kalakhan ay walang pakiwari
ang kaluluwa nilang dalawa’y nakulong sa isang awit.

At nangyari ang dapat mangyari, naganap ang dapat maganap
sa isang takipsilim na pinag-ugnay ng iisang akma.
Napatid ang kanilang uhaw sa kanilang paghahanap;
ngayong oras na ito, walang mali at walang tama.

Ang lalaking manhid, sa kama’y dumapa
habang ang babae’y bumangon at nagsimulang mag-ayos.
May bakas ng pagkainip sa kanilang mga mukha
dahil ang gabi’y maaga pa, hindi pa matatapos.

Larawan mula sa sciencenordic.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s